mga bubblegum...
lalo na yung mga nanguya na
kahit anong iwas mo sa pag-apak, makakaapak ka talaga ng
bubblegum sa ayaw at sa gusto mo.
dyahe pag may bubblegum sa sapatilya mo
kaya pilit mong tinatanggal sa pamamagitan
ng pagpahid sa sahig
pero mahirap tanggalin
madikit talaga eh
maiisip mo na lang
sana naman wag manira ng sapatilya tong
bubblegum na to
nakiki"ride" na nga lang sa stride mo eh
paminsan, hindi meant na matanggal sa sapatilya
mo ang mga bubblegum
kaya no choice ka na lang
kundi iconsider na kasama siya ng sapatilya mo
bagong design baga
kaya no choice ka na lang
kundi mahalin na din siya na parang
pagmamahal mo sa sapatilya mo
Sana, mahalin din ng bubblegum na madikit ang sapatilya mo.